Saturday, May 12, 2012



0001. Mahal kita. Pinakita ko, pinaramdam, sinabi ko pa sayo pero binalewala mo lang. Nilapitan kita at sinumbatan. Sabi ko manhid ka pero bakit ganon? Ako yung nabara nung sinabi mong, “ Kung manhid ako, ano ka pa?”

0002. If in time you just want to give up and fall, go ahead for I will catch you. But if again you fall, I’ll just tap you on your shoulder and say, “Halika nga dito. Hindi na kita bibitawan.”

0003. Tonight, I wish you might take a look at the stars above you. One of them shall slowly fade but still, you might never know. Sa milyong bituing nakikita mo, ano nga naman sayo kung mawala ako?

0004. Everytime you cry for the person you love, I often tell you, “Mahal mo nga siya talaga.” Not knowing that while you’re crying, I also cry secretly saying, “Di ba pwedeng ako na lang mahalin mo?”

0005. I’ve always thought that you feel the same way I do. I was very happy but when I turned my back, I saw you with someone else. I asked you, “Bakit mo ako pinaasa?” You said, “Di kita pinaasa. Mahal kita! Magkaibigan tayo, diba?”

0006. Naging tayo nung wala na kayo. Sabi mo minahal mo siya pero mas minahal mo ako. Masaya pa nga tayo, diba? Ngayong bumalik siya, iniwan mo ko. Ngayon pa! Ngayong di ko na kayang mawala ka.

0007. Kung makakasama kita buong buhay ko, di kita iiwan, di kita pababayaan, di kita sasaktan, aalagaan kita, mamahalin ng sobra. Alam mo, gusto ko katabi kita ngayon para malaman mong ikaw ang buhay ko.

0008. Mahal kita kaya iniwan ko siya. Mahal kita kaya pinaglaban kita. Mahal na mahal kita pati buhay ko binigay ko na. Pero putang ina! Bakit di mo sinabing may mahal ka nang iba?

0009. Tanga ko daw pinakawalan kita. Tanga ko daw mas pinili kong lumisan ka. Tanga ko daw pumayag akong magmahal ka ng iba. Ulol sila! Bakit ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa taong hindi naman ako mahal, diba?

0010. Gago ka! Hindi mo ko mahal, hindi mo ko naiintindihan at hindi mo ako pinapahalagahan. Pero mas gago ako. Alam mo kung bakit? Dahil mahal ko ang isang gago.

0011. Minsan kailangan mong maghintay. Minsan kailangan mong magtiis. Minsan kailangan mong umiyak para maipadama mo sa taong mahal mo na handa kang gawin ang lahat para lang sa kanya.

0012. Magmahal? Oo, marunong ako nun! Yung tipong tanga ka na, sige ka pa rin kasi mahal mo. Sayang talaga. Pero sa bandang huli itatanong mo, “Tanga ba talaga ko o nagmamahal lang?”

0013. Ganda ng ngiti, ah! Ah, dahil nga pala sa kanya. Bakit? Mahal ka ba nun? Totoo? Dahil kung hindi, nandito lang ako para iyakan mo. O di kaya mahalin. Kahit minsan lang.

0014. Kunwari masaya ako, kunwari ok ako, kunwari wala akong problema, kunwari nasa langit ako. Ok lang ba kung isipin kong kunwari mahal mo rin ako? Kunwari lang naman, eh.

0015. Minsan akala mo di kita love, minsan akala mo di kita miss, minsan akala mo di ako care sayo. Pero akala mo lang yun! Di yun totoo dahil ikaw ang buhay ko!

0016. Remember nung nagwish ka sa falling star na sana may magmahal sayo ng lubos? The next day, sabi mo sakin di ka na naniniwala sa falling star. Kung alam mo lang, love na kita bago ka pa nagwish.

0017. Sino ba mahal mo? Ay, siya ba? Akala ko kasi kahit papano mahal mo rin ako. Pero sige, ok lang. Basta ako, mahal na mahal na mahal kita. Tama na sakin yun.

0018. I came up to you and whispered, “Ace?” “Yes?”, you replied. “Wala lang”, I said. I then took your hand, held it close and said, “I just wanna know you’re there.”

0019. Mahirap talagang magmahal. Kung sino ang gusto ko, ayaw sakin. Kung sinong ayaw ko, siya namang may gusto. Kailan kaya magsasabay na yung taong mahal ko eh mahal rin ako? Malamang pag mahal mo na rin ako.

0020. Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo rin seryoso ka. Nagpromise ka pa nga, diba? O, yun naman pala, eh. Pero bakit hindi tayo? Ah, siguro kasi nandiyan siya. At mas mahal mo siya, diba?

0021. It’s hard to keep your feelings to the one you love lalo na kung friend mo siya. But it’s harder to know na your friend feels the same way pala pero he can’t express it. Akala niya kasi friends lang talaga.

0022. Sabi nila iwan na kita. Sabi ko ayoko nga! Sabi nila masasaktan mo lang ako. Sabi ko mawawala rin yun! Sabi nila pinaiiyak mo lang ako. Sabi ko ok lang! Tinanong nila ko kung bakit. Sabi ko mahal kita. Natahimik sila.

0023. Mahal mo ba siya? Hmm, mahal ka ba niya? Hmm, kasi may gusto sanaakong sabihin. Mahal kasi kita, eh! Kaya lang huli na yata. Pero kung wala na siya, nandito lang ako. Hihintayin kita.

0024. What if narealize mong hindi pala siya? What if narealize mong ako pala talaga? But what if nung time na yun may mahal na akong iba? And narealize ko rin na hindi talaga tayo para sa isa’t isa?

0025. Masakit pag ang tunay na mahal mo iniwan ka. Masakit na hindi mo na siya makikita at makakausap pa. Pero diba mas masakit yung iwan ka niya nang hindi man lang niya nasabi ang nararamdaman niya?

0026. Bakit ganon? May mga taong manhid. Hindi nila gets and nararamdaman na may nagmamahal sa kanila. Kahit obvious na nga, eh. Kahit lahat ng tao alam na. Kainis, no? Bakit? Guilty ka, no? Talaga! Dapat maguilty ka. Kasi manhid ka!

0027. Alam mo naman, diba? Na mahal kita. Alam mo naman, diba? Na ikaw lang talaga. Alam mo naman, diba? Na di ko kayang mawala ka. Alam mo naman pala, eh! Bakit mo ako iniwan at binalewala?

0028. It feels sad when we want to express our feelings to the person we love but holding back because they have chosen another. Then when they get hurt, we can only whisper, “Tanga ka kasi, eh. Di pa ako ang minahal mo.”

0029. Kaya kong tuyuin ang iyong mga luha sa bawat sakit na iyong nararamdaman ngunit kailan mo kaya mapupuna ang aking mga luha? Pareho lang naman tayong nasasaktan, eh. Ikaw sa kanya at ako sayo.

0030. Paalam na. Masyado nang masakit para ipagpatuloy pa. Isang malaking katangahan kung ipagpapatuloy pa. Ako muna’y lalayo, ako muna’y iiwas. Ngunit hinding-hindi ko makakalimutan na minsan sobrang minahal kita.

0031. Nung sinaktan mo ko, umiyak ako. Nung iniwan mo ko, tinanggap ko lang. Hindi kita pipiliting maging akin dahil alam ko kung sino ang magpapasaya sayo. Siya.

0032. Masakit. Hindi dahil hindi mo ako mahal kundi dahil hindi mo man lang ako sinubukang mahalin. Masakit. Hindi dahil mahal mo siya kundi dahil alam ko na kahit tayo na lang ang tao sa mundo, kahit kaibigan, wala ako para sayo.

0033. Masakit mang isipin, alam kong may iba ka na. Ayoko mang tanggapin, alam ko na mahal mo siya. Kaya ngayon nandito ako, nag-iisip at kung minsa’y umiiyak pa. Siguro dahil ikaw pa rin talaga.

0034. Bakit ganon? Kahit anong sakit tiniis ko, kahit anong hirap tinago ko, kahit anong kasalanan mo pinatawad ko. Sobra-sobra ang pagmamahal ko sayo. Bakit ganon? Iniwan mo pa rin ako.

0035. Bakit ba ko nagpapakagago sayo? Ano bang meron ka at minahal kita ng sobra? Lalo mo kong sinaktan nang malaman mong mahal kita. Hirap sayo di ka naman niya mahal pinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo sa kanya. Mahal mo ba siya o pilit mo lang akong sinasaktan?

0036. Alam mo, ang dami ko nang mga bagong kaibigan, mas masaya at mas masarap kasama. Pero bakit ganon? Wala sila nung kailangan ko sila? Pero ikaw, nandiyan sa likod ko, tumutulong pala.

0037. Ilang beses mo na ko sinaktan? Ilang beses mo na kong pinaiyak at ilang beses na kitang pinatawad? Pero bakit di mo ko magawang pagbigyan na makasama at mahalin ka kahit minsan lang?

0038. Ayun siya, kasama ang taong pinakamamahal niya. Sila’y masaya, tunay na masaya. At heto ako, lumuluha at umaasa pa ring darating ang panahon na ako’y mamahalin din niya. Mamahalin din niyang muli.

0039. I’m an angel kicked from heaven kasi nakagawa ako ng bad. Ang punishment, bantayan daw kita para magbago ka. Pwede wag ka nang magbago?Para di na ako kunin sayo?

0040. Akala ko nun, tapos na. Akala ko nakalimutan na kita. Di ko inasahang aabot ng ganito. Nababaliw na ako sa pagmamahal sayo. Heto tanong ko. Ako kaya, minahal mo?

0041. May lumapit saking angel. Sabi niya bukas kukunin niya na lahat ng kayamanan ko. Ngiti lang ako. Tapos sabi niya kukunin ka rin niya. Aba! Sinapak ko nga! Sabi ko, “Kunin mo na lahat, wag lang buhay ko!”

0042. Nung makita kita, sabi ko ikaw na nga. Nung makausap kita, sabi ko ikaw na nga. Nung maging magkaibigan tayo, sabi ko ikaw na nga. Pero bakit nung nakita mo siya, sabi mo sakin siguro siya na nga?

0043. Muntik ko nang ipagtapat sayo ang nararamdaman ko nung magkasama tayo. Muntik ko nang sabihin na mahal kita. Pero nung sasabihin ko na, napatigil ako dahil bigla mong sinabi, “Alam mo? Miss ko na siya.”

0044. Sana ako na lang yung kaharap mo nung sinabi mong “mahal kita” kasi yun din naman ang nararamdaman ko para sayo. Kung bakit kasi sa kanya pa. Yan tuloy, umiiyak ka na naman.

0045. Our closeness means a lot to me. You laugh, I laugh. You cry, I cry. You jump out of the window, I won’t. Instead, I’ll catch you and say, “Gago ka! Walang iwanan, diba?”

0046. Pwedeng pahiram ng cell? Tatawag kasi ako sa heaven. Irereport ko na nakita ko na yung nawawala nilang angel. Pero teka, ok ka lang ba? Baka kasi nasaktan ka nung nahulog ka.

0047. I fell for you and I know that it’s not right. That’s why I tried to be over you. I tried not to care and love you. But no matter what I do, everytime you’re near, I say, “Putang ina, yung mahal ko!”

0048. Sabi nila hindi ka daw para sakin. Di mo daw ako kayang ipaglaban. Sabi nila di ka daw para sakin. Ginamit at pinaglaruan mo lang daw ako. Pero alam mo lang ang sabi ng puso ko? “Kahit ano pang sabihin niyo, siya at siya lang ang mamahalin ko.”

0049. Kailan ba ulit makikita ang ngiti sayong mga mata? Magmula ng nawala siya, nag-iba ka na talaga. Alam ko kung gaano kasakit ang iyong nadarama. Pero di ka sana nasasaktan ng ganyan kung hinayaan mong mahalin kita.

0050. There are times I want to be mad. There are times I want to give you up. There are times I want to cry. But no matter how many times I think about that, I always end up saying, “Mahal na mahal ko talaga si Ace, eh!”

0051. Sabi ko mahal kita. Alam mo sabi nila? Para ano pa eh hindi mo naman daw ako mahal. Sabi din nila wala ka raw pakielam at mukha lang akong tanga. Nasaktan ako pero sinabi ko lang, “Eh, ano ngayun? Kung siya yung mahal ko, eh.”

0052. Pare, wag ka namang manhid. Hindi mo ba makita na mahal ka niya? Pare, wag ka namang manhid. Hindi mo ba nakitang napaiyak mo siya? Pare, wag ka namang manhid. Kawawa naman ang mahal ko. Pare, para sakin, alagaan mo.

0053. Paano mo malalaman kung mahal ka niya? Simple lang. Tumalon ka at isigaw mo na mahal mo siya. Pero kung di ka niya saluhin, wag kang mag-alala! Ano bang silbi ko? Diba tagasalo pag wala siya?

0054. I miss the way you talk to me and the way you say, “Hoy, musta?” The way you wave and say, “Ingat ka, ha?” But the thing I miss most is when you say, “Ok lang yan. Nandito naman ako, eh.”

0055. Masakit kapag yung taong mahal mo, iniwan ka! Masakit kapag nakita mo siyang may kasama nang iba. Pero diba mas masakit kapag nakita mong mas naging masaya siya nung wala ka na?

0056. Ok na ko, hindi ka pa. Anong problema? Ako ba? Masaya na ko, malungkot ka. Bakit ba laging salungat ka? Tahimik na ko, utak mo’y magulo pa. Dahil ba ako ang kasama mo at hindi siya?

0057. Bakit ngayong wala ka na tsaka kita napansin? Bakit ngayong iniwan mo na ko tsaka kita binigyang halaga? At bakit ngayong may mahal ka nang iba tsaka ko lang nalamang mahal kita?

0058. Kailan mo masasabi na hindi mo na siya mahal? Yung talagang nakalimutan mo na siya? Yung kahit na magmakaawa siya, tatanggihan mo siya? Di mo masabi, no? Dahil ang totoo, siya pa rin talaga ang mahal mo.

0059. Mahal kita, mahal mo siya. Siya naman, di ka kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo. Ikaw kasi gago, siya naman manhid. Parang ikaw at ako. Ikaw ang manhid at ako yung nagpapakagago sayo.

0060. Whenever I make your phone beep, I know that at one point you’ve uttered “si Ace lang pala” and I couldn’t blame you for that. But at any rate, I just want you to know that this “Ace lang” cares for you so much.

0061. Kailan kaya darating yung araw na tayo’y magkakasama muli? Na tayo’y magiging masaya at mamahalin pa rin ang isa’t isa? Maghihintay pa rin ako pero kailan nga kaya? Ah, siguro pag nakalimutan mo na siya.

0062. Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo lahat ginawa mo para sakin. Sabi mo nasaktan kita kasi iniwan kita. Sabi mo iniyakan mo ko. Eh, ako? Tinanong mo ba ko kung nasaktan ako nung pinabayaan mo ko sa kanya kahit alam mo na mas mahal kita?

0063. Iniwan kita di dahil ayoko na sayo, tinalikuran kita di dahil galit ako, lumayo ako di dahil ayaw na kitang makita. Umalis lang ako kasi ayoko nang umiyak habang nakikita kang masaya sa piling niya.

0064. Isang araw, lumapit siya sayo, nagmamakaawa’t umiiyak. Iniwan ka niyanoon at sumama sa iba. Anong gagawin mo? Matutuwa? Magpapakatanga? O sasabihin mo lang na, “Sorry, ha? Sanay na kong wala ka.”

0065. Isipin mo na lang, parehas tayong umiyak, parehas tayong nasaktan at parehas tayong nahirapan. Pero bakit ganon? Sa huli, sino lang yung natira? Ako lang, diba?

0066. Sabi nila manggagamit ka daw, sabi nila hindi mo naman daw ako mahal, sabi nila nagtitiis ka lang daw sakin. Sabi ko sa kanila handa naman akong iwan mo, eh. Makita lang kitang masaya.

0067. Sayang hindi ko siya binigyan ng isa pang pagkakataon. Sayang sinarado ko agad yung puso ko. Sayang iniwan ko na lang siya basta. Akala ko kasi mahal mo ko, hindi pala!

0068. Mahal mo ko, mahal kita. Alam naman natin yung dalawa. Masaya ako kapag kasama kita, sayo ako tumatakbo pag iniwan nila. Magkaibigan tayo, sabi mo nga. Pero hanggang pagkakaibigan na nga lang ba?

0069. Isang araw mawawala ka din sa isip ko. Meron ding papalit sayo. Di ko alam kung sino yun. Pagdasal mo naman, o? Na wag niya sanang saktan ang puso ko gaya ng ginawa mo.

0070. Masakit mang isipin na siya ang nasa isip mo, masakit mang isipin na siya ang kasama mo, mas lalo namang masakit isipin na siya ang buhay mo habang ikaw naman ang buhay ko.

0071. Marami akong hindi maintindihan. Sabi mo minahal mo ako pero bakit mo ako sinaktan? Kung gaano kita kamahal, ganun mo din ako sinaktan. Bakit ganon? Mahal ba kita dahil ganyan ka o ganyan ka dahil mahal kita?

0072. Nasaktan ka nung makita mong kasama ko siya. Nasaktan ka nung makita mong masaya ako sa piling niya. Nasaktan ka nung malaman mong mahal ko siya.Sana lang hindi ka masaktan, ha? Kasi hindi mo lang alam na ikaw talaga ang mahal ko at hindi siya.

0073. You always hear them say, “Kung may problema ka, nandito lang ako.” But in fact they are not really there when you need them. Eh, ako? Pasimple lang. Kunwaring walang pakielam pero maaasahan!

0074. I don’t know why I keep on texting you. Hindi ka naman sumasagot. Pero di bale, baka bukas o sa susunod na bukas o sa mga susunod pa, maawa ka din.

0075. Hindi mo ako sinalo nung nahulog ako. Hindi mo ako pinansin nung bumagsak ako. Dapang-dapa na ko, alam mo ba yun? Pero nung napansin ko na paalis ka, sinubukan ko pa ring tumayo muli para habulin ka.

0076. Ikaw ang buhay ko, ako ang kamatayan mo. Ikaw ang mahal ko, ako ang kaaway mo. Ikaw ang langit ko, ako ang impyerno mo. Ganyan ba ako talaga? Minahal naman kita ng sobra, ah?

0077. Sa buhay ko, meron akong minahal, merong minamahal at siguro may mamahalin pa. Alam mo kung saan ka dun? Ikaw yung tipong binabalik-balikan.

0078. Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan, kung alam mo lang kung gaano ako nahirapan, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Kung alam mo lang siguro, hindi mo ako iiwan.

0079. Dati masaya ako kaya lang lumayo ka. Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit. Saan ako nagkamali, saan ako nagkulang? Nandito ako ngayon, umiiyak at nagtatanong. Minahal mo nga ba talaga ako o pinagselos mo lang yung mahal mo?

0080. Kahit gaano kasakit, ok lang. Mahal kita, eh. Mas minahal kita nung sinaktan mo ko. Ang labo ko rin, no? Martir ako, eh. Tanga pa. Pero alam mo? Marunong din akong masaktan.

0081. Pag wala ka na, di na ako iiyak. Pag wala ka na, di na ako malulungkot. Pag wala ka na, di na ako matatakot. Pag wala ka na, di na ako magmumukhang tanga. Alam mo kung bakit? Kasi wala na rin ako.

0082. Tumingin ako sa langit, nakita kita. Binuksan ko ang radyo, narinig kita. Naghanap ako ng matatambayan, nakasama kita. Nanood ako ng TV, ikaw ang bida. Baliw na ba ko? O miss lang kita?

0083. Oo na, mahal mo siya. Ilang beses mo ba paulit-ulit sasabihin sakin yan? Kahit na masakit, pakikinggan pa rin kita. Sabi mo, eh! Pero tangina naman, mag-iingat ka sa mga sinasabi mo. Nasasaktan rin naman ako.

0084. I know that you already found maybe the right person who you think will love you more than I do. Don’t worry, I’m not hurt. I’d just wait and if you come back, I’ll just say, “Wag kang mag-alala. Mahal pa din kita.”

0085. Sabi ko naman sayo hihintayin kita. Sabi ko magtitiis ako kahit gaano katagal. Pero bakit ang daya mo? Pagbalik mo kasama mo siya at sinabi mo pa, “Akala ko kasi nainip ka.”

0086. I don’t know why but I feel so depressed. I was wondering why and then you suddenly popped into my head. Now I know why I feel like this. Hindi mo nga pala ako mahal.

0087. I’m in love with you. Joke! Pero ang joke raw half meant more so the truth,sana biruin mo din ako kahit minsan lang na minahal mo din ako kahit sandali lang.

0088. Someone once asked me if I really love you. I just kept quiet, closed my eyes, smiled, opened my eyes and simply walked away. Then I whispered, “Mahal na mahal.”

0089. Sometimes I feel as if I don’t have any reason to live. I just want to disappear, escape and hide from the world. But when I think of you, I find myself saying, “Buti na lang buhay ako.”

0090. Nagmahal ka na ba pero inakala mong mali kaya tinago mo na lang? Nasaktan ka na ba dahil alam mong mahal mo siya pero hindi mo maipakita? Nasubukan mo na bang magsisi dahil dapat sana’y sayo siya? Kung pinadama mo lang sana.

0091. Balita ko mahal mo pa siya. Totoo ba? Ouch! Pasensya ka na, ha? Mahal kasi kita. Pero kung ayaw niya sayo, nandito lang ako. Kahit panakip-butas lang, ok na. Kahit masaktan pa ako, wag lang ikaw.

0092. What would you do if we should part ways? Cry? Give up? Say goodbye? Me? I won’t do any. I’ll simply hold you close and gently whisper, “I’m staying.”

0093. Mahal kita, alam mo ba yun? Nag-aalala ako lagi sayo, alam mo ba yun? Ang tanga ko naman para magtanong. Syempre hindi, diba? Dahil habang nag-aalala ako sayo, habang minamahal kita, iniiyakan mo siya.

0094. Isang araw, parang mahal mo ko. Isang araw, di mo ko pinapansin at parang wala lang ako sayo. Isang araw, sabi mo mahal mo ko. Isang araw, sabi mo, “Hoy! Loko lang yun, ha? Baka seryosohin mo.”

0095. Masaya ako dahil masaya ka. Masaya ako kapag kasama kita. Masaya ako kapag nakikita kong ok ka. Masaya ako dahil alam kong kaibigan kita. Pero masaya ka rin ba dahil nandito ako o masaya ka dahil sa kanya?

0096. Bakit ba ganon? Pare-pareho sila. Lahat iniwan ako, lahat sinaktan ako. Pero bakit ganon? Gusto ko pa ring magmahal? Alam mo kung bakit? Kasi alam kong darating ka.

0097. When everything seems wrong, I’ll hold your hand and tell you to move on. When you feel like bursting into tears and everybody leaves, tangina nila cause I’ll always be here for you! That’s a fucking promise!

0098. Anong ginagawa mo dito? Umiiyak lang naman ako, ah! Umalis ka na, wag ka nang mag-alala. Ok lang ako. Talaga. Hindi mo ko mapapatigil umiyak. Bakit? Ikaw ang nagpaiyak sakin, eh.

0099. Takot akong mawala ka. Hindi ko alam kung bakit. Di sa hindi ako mabubuhay ng wala ka. Takot lang siguro akong dumating yung araw na mahal pa din kita kahit wala ka na.

0100. Sabi nila mahal daw kita kasi pangalan mo daw parati kong binabanggit, parati daw akong masaya pag nandiyan ka. Sabi nila aminin ko na daw sayo pero sabi ko, “Tsaka na lang. Pag mahal niya na din ako.” 


0101. Mahirap umasa sa wala, mahirap magmahal ng taong may mahal nang iba, mahirap ipagtanggol ang taong walang pakielam sa nararamdaman mo at higit sa lahat, mahirap masaktan nang wala ka namang karapatan.

0102. If you were here beside me, I would stare at your face, look into your eyes, hold your hand very tight and kiss you. Then as I look at your face, I would wish to God na sana akin ka na lang.

0103. Heto ako, malapit na sa taas, tapos na sa pag-iyak, tapos na sa lahat. Bakit ngayon, kung kailan nasa dulo na ako, tsaka ka pa dumating? Mahuhulog na naman ba ako nang walang sasalo sakin?

0104. Wag mong isiping nag-iisa ka. Para saan pa ko? Wag mong isiping malungkot ka. Para saan pa ang mga ngiti ko? Pag inisip mo na wala nang nagmamahal sayo, para mo na ring sinabing wala nang Ace dito sa mundo!

0105. When you love someone, learn to forgive and forget. Yeah, that’s how love works. Pero paano pag paulit-ulit ka na lang niyang sinasaktan? Will you allow yourself to be stupid dahil lang sa lintek na love na yan?

0106. Gago ka ba? Iiwanan mo ako tapos babalik-balik ka ngayon? Anong akala mo sakin, tanga na magpapauto ulit sayo? Eh sira ulo ka pala, eh. Pero mas sira ulo ako sayo. Halika nga dito. Tagal ko nang hinintay pagbalik mo, eh.

0107. Sabi nila tanga daw ako dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko. Nasaktan ako sa sinabi nila pero hindi na ako kumibo. Alam ko naman kasi ang totoo. Hindi ako tanga. Hindi lang sila marunong magmahal.

0108. Nasaktan ka ba nung nalaman mong may mahal na siyang iba? Sana nga nandun ako, nang nabulong ko sana sayo, “Alam mo, yun din yung naramdaman ko nung sinabi mong mahal mo siya.”

0109. Minsan badtrip magmahal. Bigay ka nang bigay pero kulang pa rin. Magpapakatanga ka, iiyak. Ikaw ang iiwas pero ikaw rin ang masasaktan. Hintay ka nang hintay pero ikaw rin ang iiwan.

0110. Kaibigan kita. Dapat ingatan mo ako. Kaibigan kita. Kailangan lagi kang nandiyan. Kaibigan kita. Dapat mahal mo ako. Kaibigan kita. Dapat tulungan mo kong isipin na kaibigan lang kita.

0111. Ikaw kasi, eh. Hindi mo ako sinubukang mahalin. Pag kasama kita, kung sinu-sino pa ang hinahanap mo. Nasasaktan ako pero parang wala kang pakielam. Paano na ngayon? Sabi mo mahal mo na ako. Sayang. Bakit ngayon lang kung kailan pagod na ako?

0112. Masakit sakin na mas mahal mo siya kaya heto ako, hanggang ngayon, iniisip pa rin ang sandaling hinayaan lang kita. Ano bang nagawa kong hindi tama? Tangina! Hindi ko pala nasabi sayo na mahal kita!

0113. Talagang ganyan daw pag nagmamahal ka. Naghihintay ka ng matagal dahil sa una akala mo ikaw na, sa una akala mo totoo. Yun pala simula pa nung una pinagtitripan ka lang.

0114. Alam ko namang nararamdaman mo na may gusto ako sayo. Sa mga tingin ko, sulyap ko, mga titig ko sayo. Alam kong nakikita mo yun. Alam mo naman na mahal na mahal na mahal kita, diba? Hindi ba pwedeng ikaw rin?

0115. Sabi ko suko na ko. Sabi ko hindi na kita mahal. Sabi ko malilimutan rin kita. Sabi ko hindi na kita kailangan. Sabi ko masaya na ko. Sabi ko lahat yun.Sana yun din ang sabi ng puso ko.

0116. Alam mo, yung mahal mo mahal ko din. Pero nasayo siya, wala sakin. Lahat na ginawa ko para ako na lang ang mahalin pero balewala kasi ikaw pa rin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kasi yung mahal mo, mahal ko at mahal ka din.

0117. Si Ace? Ok lang! Makulit, moody, minsan matigas ang ulo, pasaway. Mabait? Hmm, oo. Pero pag nawala yan, sus! Mamamatay ako!

0118. It’s hard letting go of someone especially if he has become an important part of your life. But if you think that you’ve given everything and still nothing happens, set him free. Mas madali siguro ang bumitaw kaysa maghintay.

0119. Minsan pinipilit nating turuan ang puso. Bawal ito, bawal yan. Tama ito, tama yan. Kaso naisip ko may sariling isip ang puso at may sariling puso ang isip. Yan ang hahawak at magpapagalaw sa buhay mo. Tama man o mali, bawal man o hindi.

0120. Kahapon friends tayo. Ngayon friends pa din tayo. Bukas syempre friends pa din tayo. Pati sa dreams ko friends lang din tayo. Tangina! Puro na lang friends! Kailan ba pwedeng maging tayo?

0121. Alam mo, mahal kita. Eh ano naman pala sayo? Wala lang, diba? Kahit na magmukha na akong tanga, ginawa na lahat at iniyakan ka, alam kong wala pa ring kwenta. Si Ace lang naman kasi ako eh, diba?

0122. There are a lot of people asking what made me fall for you, I just smiled. You know why? Well, why would I tell them? They might just fall for you the way I did. Selfish na kung selfish, akin ka lang.

0123. Bakit ganon? Sabi nila pag mahal mo ang isang tao, ipakita mo dahil baka sakaling mahalin ka rin niya. Pinakita ko naman na mahal ko siya, ah! Bakit ganon? Nung tinanong ko siya kung mahal niya ko, sabi niya, “Oo. Kaibigan kita, eh!”

0124. Nagawa mo na bang pumayag na maging pamalit lang sa kanya? Yung tinanggap ka dahil iniwan siya nung isa? Tol, wag na! Baka magsisi ka lang. Mas mabuti pa ang kumalas kaysa maging panakip-butas!

0125. Ang manhid mo! Di mo alam na may nasasaktan sa ginagawa mo. Di mo alam na may hirap na hirap na. Di mo alam na may sobrang nagmamahal sayo. Di mo alam na nandito ako, naghihintay kahit alam kong siya talaga ang mahal mo.

0126. Naramdaman mo na bang magmahal ng todo? Ako, oo. Gago kasi ako, eh. Mahal ko kahit sinasaktan lang ako. Binibigay ko lahat kahit pinagmumukha lang akong tanga. Ganyan ako kagago. Basta para sayo.

0127. Nasubukan mo na bang magmahal ng isang tao? Binigay mo lahat ng kaya mo. Pagmamahal, pera, oras, lahat! Akala mo mahal ka rin niya pero hindi pala! Alam mo, nangyari na sakin yun nung minahal kita.

0128. Pag mahal mo, gagawin mo lahat. Kahit masakit, kahit hindi mo na kaya. Pero bakit nga ba naging masakit? Kasi patuloy ka pa ring umaasa na mahal ka pa rin niya kahit alam mong hindi na.

0129. Sabi nila wag daw kitang sasaktan. Sabi nila mahalin daw kita ng lubusan. Alam kong di ko kaya pero gagawin ko. Di dahil tama, di dahil nararapat, di dahil sabi ng iba. Simple lang. Dahil mahal naman talaga kita.

0130. Wala akong pakielam kahit magmukha akong tanga para sayo. Wala akong pakielam kahit pinagtatawanan na ko ng iba dahil sa pagmamahal sayo. Wala na kong pakielam sa sarili ko. Tutal wala ka rin namang pakielam sa nararamdaman ko.

0131. May mga oras na naiinis ako sayo. May mga oras din na hindi tayo magkasundo. May mga oras naman na hindi kita maintindihan. Pero pinababayaan ko lang ang mga yun kasi sabi ng puso ko mahal kita kaya yun ang sinusunod ko.

0132. Umiiyak ka na naman. Pucha talaga! Tumahan ka na nga. Ano na naman ba ngayon ang dahilan? Langya! Lagi ka na lang ganyan. Tatawag ka, iiyak ka sakin, matapos kitang patahanin, babalik ka sa nagpaiyak sayo. Langya talaga.

0133. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sayo. Alam kong mahal kita pero tama bang sabihin yun kung hanggang magkaibigan lang tayo? Bakit hindi natin mabigyan ng kahulugan ang bawat pagsabi mo na mahal mo rin ako? Kasi hanggang magkaibigan lang tayo. Hanggang dun lang.

0134. Nung gabing yun, halos tumulo ang aking luha sa aking nadarama nang iyong sinabing, “Ayoko na.” Masakit man isipin, kailangan kong tanggapin. Hindi naman pwedeng habang buhay kang akin.

0135. Bakit ganon? Hindi pala lahat ng akala mo totoo, no? Dahil akala ko hindi kita kailangan, akala ko di kita mamahalin. Pero mali pala ako. At nung akala kong minamahal mo na ko, ni minsan, hindi pala nagkatotoo.

0136. Di ko ginusto, nahulog na lang ako sayo. Di ko pinigilan kasi akala ko mahal mo rin ako. Di ko akalain na masasaktan ako ng ganito. Di ko napansin, mukha na pala akong tanga. Pero wala na kong magawa, mahal na kita.

0137. Last night, I went outside to see the stars and made a wish that I may have a special person in my life. The star showed it with an outline of your face. I uttered, “Bakit siya pa eh may iba na siyang mahal?”

0138. It hurts much to see you because of what happened to us before. When people ask me about you, I say, “Mahal ko yan.” And it hurts me to know that whenever they ask you about me, you just say, “Minahal ko yan.”

0139. Alam mo ba na mahal pa rin kita? Alam mo ba na ngayon pinagdadasal kong tawagan mo ko? Alam mo ba na ang bigat ng pakiramdam ko sa kaiisip sayo? Syempre hindi, diba? Kasi wala ka namang ibang alam kundi saktan ako.

0140. Wala na siya sa buhay ko ngunit ang huli niyang sinabi ay sana ako na lang.Sana lang yun pero bakit ganon? Bakit nandiyan pa rin siya? Nandiyan pa rin. Ayaw niyang umalis ngunit may mahal na siyang iba.

0141. Gusto ko nang ipagtapat ang nararamdaman ko sayo. Sabi mo, “Sige, ok lang yun!” “Natatakot akong baka mailang siya.” Sabi mo, “Hindi yun! Malay mo mahal ka rin niya!” “O, sige na nga. Sasabihin ko na. Mahal kita.” Sabi mo, “Hoy, wala namang ganyanan. Friends tayo, diba?”

0142. Sometimes when you cry, akala mo no one sees your tears. When you worry, no one sees your pain. When you're happy, no one sees your smile. Ganyan ka naman, eh! Di mo rin nakikita na nandito lang ako.

0143. Masakit ang hindi mo masabi sa taong mahal mo na mahal mo siya kasi hindi dapat. Ngunit ang mas masakit ay ang nasabi mo ngunit hindi ka niya pinaniwalaan dahil minsan mo na siyang sinaktan.

0144. Mahal kita. Oo, yun ang totoo! At kahit wala ka na sa tabi ko, ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Sabi mo noon mahal mo ko pero kung tanungin kaya kita ngayon, anong sasabihin mo? Ako pa rin kaya ang mahal mo o yung taong nakasama mo nung wala ako?

0145. Anong gagawin ko pag wala ka na? Masasaktan? Iiyak? Pipiliting limutin ka? Hindi. Dahil isa lang ang gagawin ko masakit man. Yun ay ang mahalin ka pa din.

0146. Sabi mo mahal mo ko, naniwala naman ako. Sabi mo di mo ko iiwan, ang sabi ko, “Sige, aasahan ko yan, ah!” Pero bakit paglipas ng panahon, nakita kita at narinig pa na ang mga sinabi mo sakin, sinasabi mo rin sa iba?

0147. Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na nga ako at iniwan ng ganito tapos ngayon, kung kailan ok na ko at nakalimutan na kita, tsaka ka pa babalik at sasabihing di mo na ko iiwan pa. Ano ba? Ayoko na! Masaya na ko ngayon. Pero bakit ganon? Mahal pa rin kita. Leche ka!

0148. Sa umpisa pa lang, sinabi ko nang hindi kita mahal. Sa umpisa pa lang, sinabi ko nang hindi tayo para sa isa’t isa. Sa umpisa pa lang, sinabi ko nang friends lang talaga tayo. Pero bakit ngayon nasasaktan ako tuwing magkasama kayo? Ah, siguro dahil sa umpisa pa lang, nagsinungaling na ako.

0149. Wag kang mangako. Wag mo akong pangakuan ng kahit ano. Hihintayin kita. Pero kung di ka na makakabalik dahil mahal mo na siya, lagi mo lang tatandaan na mahal kita. Mahal na mahal.

0150. Bakit ka pa nag-iisa? Nandito naman ako para samahan ka. Bakit ka pa umiiyak? Nandito naman ako para patawanin ka. Bakit ka pa umalis? Hindi naman kita iiwan. Bakit ka pa nagmahal ng iba? Nandito naman ako para mahalin ka.

0151. May pagkakataong sinasabi kong hindi kita mahal, sinasabi kong kailan man hindi na kita papansinin. Dapat lang sa mga katulad mo ang masaktan. Pero swerte mo, mas gusto kong puso ko ang masaktan wag lang sayo.

0152. Mahal kita. Di ko to ginusto kasi alam ko naman na wala kang pakielam. Pinilit kong labanan to pero natalo ako. Mahal kita. Patawarin mo sana ko.

0153. Alam mo, mahal kita. Ngayon, bukas, habang buhay. Ikaw? Kailan mo kaya ako makukuhang mahalin? Kapag hindi na kita mahal?

0154. Minsan mo na akong sinaktan pero heto pa rin ako, nagmamahal pa rin sayo. Isang tawag mo lang nandiyan na ko. Pero bakit ganon? Hindi mo man lang ba naisip na tuwing lalapit ka, umaasa pa din ako?

0155. May nagparamdam na ba sayo na special ka? Tapos inisip mong nahuhulog na siya sayo kaya nahulog ka na rin sa kanya. Tapos inamin niyang in love siya pero hindi sayo. Masakit yun, diba? Parang yung nafeel ko nung sabihin mong in love ka sa kanya.

0156. Magkaibigan tayo. Tagal na! Mahal kita. Noon pa! Pero sa tuwing iiyakan mo siya, ang hindi mo alam, umiiyak din ako. Masakit kasing isipin na ang mahal ko, iba ang gusto.

0157. Kahit masakit, pinilit kitang kalimutan. Kahit masakit, pinilit kong wag umiyak. Kahit masakit, pinilit kong magtiis. Pero kahit anong gawin ko, ikaw pa rin ang mahal ko, eh! Kahit masakit.

0158. Sabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo. Pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba? Ipaglalaban mo pa rin ba siya?

0159. Minsan na ko nagmahal, minsan na ding nasaktan, minsan nang naging tanga nang minsang minahal kita. Papayagan ko pa bang maulit? Bakit hindi? Eh minsan lang naman ako naging masaya. Nang mahalin kita.

0160. This day is the last day I’ll be wishing for you, the last time I shall cry and the last moment I shall hurt myself. One day, when I see you, I’ll just whisper, "Tama na. Masyado na kitang mahal."

0161. Sabi ko nung umalis ka, “Matibay ako.” Sabi ko rin, “Ok lang yun, paki ko ba?” Pero isa lang ang problema ko. Sabi kasi ng puso ko, “Hoy, gago! Kahit anong gawin mo, talagang mahal mo yun!”

0162. Minsan naisip ko, what if iwan kita? Siguro you’ll be sad and you’ll miss me a lot. Pero alam mo, pag iniwan kita, mas sad ako. Kasi pagbalik ko baka hindi na ako ang mahal mo.

0163. Have you ever wondered how my life would be if you didn’t walk into it? Duh! Hello? Ok ka lang? How stupid can you get? Gee, my life without you would simply suck.

0164. Akala ko kaibigan ka lang talaga. Hindi ko napansin unti-unti ka na palang napamahal sakin. Tanga ako, eh. Minahal kita kahit na may mahal ka namang iba! Di bale. Habang buhay na lang akong magpapakatanga.

0165. If the day would come that you’ll love somebody else, I would stare at your face, hug you tight and maybe I might cry while saying, “Pangako mo babalik ka, ha? Pag wala na siya.”

0166. Naisip ko, ang daya mo. Kasi nangako ka na di mo ko iiwan. Pero minsan rin iniisip ko kung ano ba ang mas madaya. Yung iniwan mo ko? O yung pinilit kitang mangako?

0167. Madalas kong isipin kung saan ko ba ilulugar ang sarili ko sayo. O kung may lugar pa ba ko. Kapag bibitaw na ko, dumarating ka at pinaparamdam na meron pang pag-asa. Ano? Darating ka pa ba?

0168. Pag sinabi kong mahal kita, baka hindi mo matanggap, baka mapahiya lang ako, baka masira pa tayong dalawa. Takot akong malaman mong mahal kita, takot akong magsalita. Baka kasi mawala ka.

0169. Miss ko na yung mga oras na magkasama tayo, yung kwentuhan natin at kulitan. Gusto ulit kitang makasama. Pano na yan? Kailangan pa ba kitang ipagpaalam sa kanya kahit na dati'y akin ka?

0170. Mahal kita kaso may problema, may mahal ka nang iba. Masakit dahil kaibigan ko pa. Mas masakit nung nalaman kong kayo na. Tangina, kung alam ko lang na mamahalin kita edi sana sinagot na kita noon pa!

0171. Sabi mo, “Di ko kayang mawala ka.” Ang sarap dinggin, isipin na minamahal ka. Yung may tumuturing sayong importante ka. Ang masakit dun, sa iba mo sinabi. Narinig ko lang.

0172. When the person you love chooses somebody over you, don’t shed a tear. Just tell that person, “Tangina mo! It’s your loss not mine!” Sabay luhod, “Parang awa mo na. Wag mo kong iwan.”

0173. People say that life begins when you meet the one you will love forever. So when my friend asked me if my life has began, I said it’s over. Iniwan mo na ko, eh.

0174. Pag nagmahal ako, gusto ko yung kagaya mo. Pag umibig ako, gusto ko yung katulad mo. Pero paano kung wala nang kagaya mo? Wala nang katulad mo? Hindi ba pwedeng ikaw na lang ang mahalin at ibigin ko?

0175. Naisip ko, ang daya talaga. Nandito ako at umiiyak habang siya’y nagsasaya at may ibang kasama. Swerte ng taong to, iniiyakan ko. Pero ang pinagtataka ko, kahit masakit, nandito pa rin ako, naghihintay sayo.

0176. Alam ko tagapayo mo lang ako pag wala siya. Pero pano kaya kung pinapili ka? Pipiliin mo ba ang taong mahal mo na sinasaktan ka lang? O akong kaibigan mo na walang ginawa kundi mahalin ka?

0177. Alam mo, hindi ko alam kung bakit naiisip kita madalas. Siguro namimiss lang kita. Pero bakit kahit nandiyan ka na parang kulang pa? Alam ko na. Di ko kasi masabi sayo na, “Alam mo, Ace, noon pa lang minahal na kita.”

0178. Why do people say loving so much makes you stupid? It’s because you’ll always be wrong even if you’re right, weak even if you’re strong, you give without receiving, you cry and get hurt but still you say, “Mahal ko, eh!”

0179. Minsan you think that you are taken for granted by someone who’s close to you. Iniiwasan ka kasi nang hindi mo alam ang dahilan. You get lonely without knowing that umiiwas siya kasi minamahal ka pala niya.

0180. I used to believe in wishing stars. Now I don’t. Maybe cause I just didn’t get what I wanted. You know what I wished for? I wished for my love to love me back. Kaya lang hindi mo naman ako minahal, eh.

0181. Para sa maloko, sa tawa nang tawa, sa kalog. Para sa makulit, sa di ko makakalimutan, sa laging nandiyan, sa mahal ko, aking kaibigan. Ikaw. Mismo.

0182. Minsan akala mo sadyang di ako nagtetext. Minsan akala mo di kita namimiss. Minsan akala mo wala na kong panahon sayo dahil busy ako masyado. Pero alam mo bang ni minsan hindi ka nawala sa puso ko?

0183. Lecheng pag-ibig to! Akala ko pag mahal mo siya’t mahal ka rin niya, ok na. Hindi pala! Masakit pero pwedeng ngayon mahal ka niya tapos bukas hindi na.

0184. Pag wala na ko, siguro di yun kawalan sayo, di yun makakaapekto sayo. Pero gusto ko lang malaman mo na masaya ako. Bakit? Kasi kahit minsan lang sa buhay ko, nakilala ko yung taong hindi man ako kayang mahalin, napasaya naman ako.

0185. Masakit maging kaibigan ng taong mahal mo. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Di ka dapat umasa o di kaya’y mainis sa kanya. Bakit? Anong karapatan mo? Kaibigan ka lang, diba?

0186. Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo rin di mo ko iiwan. Yun din yung sinabi mo sa kanya. Pero bakit sa kanya hindi ka nagsinungaling?

0187. Sinubukan kitang kalimutan. Sinubukan kong wag kang mahalin. Di dahil nagmumukha na akong tanga, hindi rin dahil hindi na kita kayang ipaglaban. Kundi dahil gusto kitang makitang masaya sa piling niya.

0188. Pag mahal mo, lahat gagawin mo. Nung minahal kita, sinabi mo layuan ko ang mga kaibigan ko para wala kang kahati sa atensyon ko. Ngayong wala na tayo, hindi ko alam kung saan tatakbo. Lahat sila nagtampo dahil pinagpalit ko sila sa isang tulad mo.

0189. Diba nangako ka na hindi mo ako paiiyakin, na hindi mo ako sasaktan at hindi mo ako iiwan? Pero ano tong ginawa mo sakin ngayun? Sa bagay, kasalanan ko din, eh. Pinilit pa kasi kitang mangako kahit na alam kong ayaw mo.

0190. Love ka daw niya. Eh bakit sinaktan ka niya? Bakit umiiyak ka ngayon? Eh kung iwan mo kaya? Ah, hindi mo nga pala kaya kasi mahal mo siya. Nasaktan ka nga niya eh, diba?

0191. Buti pa yung shabu nagpapasipag. Buti pa yung marijuana nagpapatawa. Buti pa yung ecstacy nagpapasayaw. Samantalang ako, addict sa isang katulad mo na wala namang ibang ginawa kundi saktan ako.

0192. If you would ask me who I want to spend the rest of my life with, I'll just sit beside you, look into your eyes and hold your hand. Then I’ll whisper, “Ikawsana kaso may mahal ka nang iba.”

0193. Malungkot ka. Nagjoke ako. Tawa ka, tawa ako. May problema ka. Nagjoke ulit ako. Tawa ka, tawa ako. Nagalit ka. Nagjoke pa rin ako. Tawa ka, tawa ako. Sinabi kong mahal kita. Akala mo joke. Tumawa ka, naiyak ako.

0194. Pumayag akong umalis ka dahil dun ka masaya. Pumayag akong masaktan at magpasakit dahil dun ka masaya. Pumayag akong umiyak dahil dun ka masaya. Napilitan akong pumayag dahil sa kanya ka masaya.

0195. Minsan ayaw na nating balikan yung mga oras na nasaktan tayo, yung mga taong nagpaasa sa atin na mahal nila tayo. Kaso kahit ano yatang gawin ko, babalik at babalik pa rin ako sayo.

0196. Sa dami ng mga simpleng bagay na dumaan at nawala sa buhay ko, ikaw ay ang simpleng bagay na ayokong palampasin dahil sa dahilang ikaw lang ang simpleng bagay na kumumpleto sakin.

0197. Sabi nila gaga daw ako na minahal kita. Papaasahin mo lang daw ako. Manhid ka daw kasi. Alam mo ba kung anong ginawa ko? Sinabi ko lang, “Tangina! Wala namang pakielamanan! Mahal ko to, eh!”

0198. Minsan may mga bagay tayong kailangang isuko kahit gaano sila kahalaga, gaano sila kamahal, gaano sila kaganda. Ako, simple lang ako. Kaya nga naisip ko, ano naman kaya sayo kung isuko mo ko?

0199. Titiisin na sana kita, iiwasan at kakalimutan. Kahit masakit, kahit mahirap ay kakayanin, pipilitin. Pero balewala rin pala. Di ko pala kaya kasi mahal talaga kita.

0200. Minsan sa buhay kailangang pumili kung ano, sino, saan at paano ka liligaya. Pero hindi lahat ng pinili mo ay tama. Minsan kung ano yung ginive-up mo, yun pala yung magpapaligaya sayo. 


0201. Alam mo? Gago ka, bwiset, leche, walang kwenta, manhid! Ang laki mo pang tanga! Pero alam mo, mas gago ako sayo! Kasi nagpumilit akong mahalin ang isang gagong tulad mo.


0202. Minsan mahirap magmahal kasi sinasaktan ka na. Iiyak ka lang kasi mahal mo siya. Pag mukha ka na talagang tanga, gagaguhin ka pa. Pero ang pinakamasakit ay yung mahal na mahal mo siya tapos wala lang kwenta sa kanya.

0203. Wala akong ibang pangarap kundi ang makasama ka. Wala akong ibang inisip kundi kung paano ka mapaligaya. Wala akong ibang pinagdasal kundi sanaikaw na nga. Pero wala naman akong magawa para maging tayong dalawa.

0204. Miss na kita kaso siya naman yung miss mo. Mahal kita kaso siya rin yung mahal mo. Siya na lang lagi! Kahit nasasaktan ka na niya, ok lang kasi mahal mo siya. Ang tanga mo, no? Parang ako!

0205. If I only have one hour left to live and I'm with you that day, I'll lay my head unto your shoulder as I feel the breeze touch my skin and say, “Pasandal lang po muna, ha? Matagal po akong mawawala, eh.”

0206. Kung mahal mo raw, ipaglaban mo. Totoo ba yun? Paano kung hindi ka niya mahal? Anong ipaglalaban mo? Isang pag-ibig na ikaw lang ang nakakadama? Mahirap yata yun, ah! Kaya mo ba? Pag mahal mo talaga, kakayanin mo, diba?

0207. Sana pag nakita mo na yung taong mahal mo, wag kang magpakatanga, wag kang magpakamartir, wag kang magpakagago. Ayokong makitang nahihirapan ka. Tingnan mo yung nangyari sakin nung minahal kita.

0208. Sabi nila kapag mahal mo, lahat ibibigay mo, lahat gagawin mo. Pero pano na lang kung hilingin niya na maghiwalay kayo? Ibibigay mo ba kahit mahal mo pa siya?

0209. Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo di mo ko iiwan. Sabi mo hihintayin mo ko. Saglit lang akong nawala, iba na ang kasama mo. Ang daya talaga. Dahil ba sa mahal mo lang ako pag wala siya?

0210. Ask ko si God. Sabi ko, "Bakit mo siya kinuha sakin? Binigay ko naman ang lahat, ah?" Sabi niya, "Di ka kasi nagtira para sayo." Sabi ko, "Ganito po kasi ako magmahal, eh." Sabi niya, "Kaya pala lahat kinalimutan mo. Pati ako."

0211. Sana akin ka para di ka iiyak. Sana akin ka para di ka na masasaktan. Sanaakin ka para di ka na aasa pa. Ngunit ang talagang nais ko'y sana ako siya na mahal mo ng sobra sobra.

0212. Minsan ang layo ng tingin mo. Sino ba ang hinahanap mo? Yung taong magmamahal sayo? Yan ang hirap sayo, eh! Ang layo lagi ng tingin mo. Ang tagal ko na dito. Di ba pwedeng sakin ka naman tumingin?

0213. Ano ba to? Ikaw na naman ang iniisip ko. Kaya ang hirap makatulog sa gabi, eh. Di kasi kita makalimutan. Pero nakakatulog din ako. Alam mo kung papano? Sinasabi ko sa sarili ko, "Tanga! May mahal na yun. Tulog ka na."

0214. Sabi mo mahal mo ko, naniwala ako. Sabi mo hanggang katapusan tayo, umasa naman ako. Sabi mo di mo ko sasaktan, nagtiwala ako sayo. Pero bakit ganito? Iniwan mo ako at niloko. Pero ok lang. May magagawa pa ba ko? Siguro lang talagang hindi ako para sayo.

0215. I can't blame you if one day you'll walk out of my life. However, expect me to give up everything just to keep you in sight. If I fail, please give me a chance to say, "Gagawin ko lahat wag ka lang umalis."

0216. Lahat ng tao magbabago, lahat ng tao magmamahal ng iba, lahat tayo masasaktan, iiwan at kakalimutan. Pero pag dumating satin yung araw na yun, pipilitin ko pa ring maalala yung araw na minahal kita.

0217. Sabi mo di ka nanghihinayang na nawala siya sayo o nagsisisi na iniwan ka niya. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala. Dahil nakatulog kang lumuluha sa tabi ko habang pabulong kong sinasabi, "Ako kaya, iiyakan mo?"

0218. Nang iniwan kita, akala ko sasaya ka, akala ko sa piling niya liligaya ka. Akala mo ba ginawa ko to dahil gusto ko? Kung alam mo lang, ginawa ko to dahil mahal kita higit pa sa buhay ko.

0219. Mahal mo siya kaya siya lang ang nakikita mo. Di ko naman pwedeng ipagpilitan ang sarili ko sa di ako mahal, diba? Pero bakit ganon? Kahit nagmumukha na akong tanga habang minamahal mo siya, mahal pa rin kita?

0220. Nabangga mo ako at nadapa ako. Minahal kita pero pinaluha mo ako. Ginawa mo yun dahil mahal mo pa pala siya. Sa pagmamadali mo, di mo man lang narinig nung sinabi kong, "Sandali lang. Mahal pa kita!"

0221. Nakita mo akong kausap siya. Akala mo siya na ang mahal ko. Nakita mo akong hawak ang kamay niya. Akala mo tinalikuran na kita. Ang di mo alam, nagpaalam lang ako. Dahil mas pinili kita kaysa sa kanya.

0222. Magmahal? Ayoko na yata. Minsan na akong nagmahal. At sa minsan na yun, niloko pa ko. Minahal ko siya. Di ko matanggap na dalawa pala kaming mahal niya. Masakit. Alam mo kung bakit? Kasi mas mahal niya yung isa.

0223. Sa pagdaan ng panahon, alam kong madami ka pang makikilala. May mga taong mas may kakayahang magpasaya sayo at maaaring mas pahalagahan mo sila. Pero sana pagdating nung time na yun masabi mong, “Iba pa rin pala si Ace.”

0224. Alam mo, I love you so much today. Tomorrow, I'm sure I’ll love you more. Until the rest of my life. Ikaw? Kailan mo kaya ako makukuhang mahalin? Kapag di na kita mahal?

0225. Mali? Siguro. Pero ikaw talaga ang mahal ko. Masakit? Oo. Pero makikipaglaban pa rin ako para sayo. Maghintay? Ah, yan ang malabo. Alam ko naman kasing siya ang mahal mo.

0226. Pag wala na ko, siguro di yun kawalan sayo, di yun makakaapekto sayo. Pero gusto ko lang malaman mo na malungkot ako. Bakit? Kasi wala kang ginawa. Hinayaan mo lang akong mawala.

0227. Mahal mo ba ko? Ah, wala na kong pakielam. Basta ang alam ko, mahal kita. Di ko naman sinasabing suklian mo yun, eh. Ang sakin lang, sanamaramdaman mo man lang.

0228. Minahal? Sino? Ikaw? Sino nagmahal? Ako? Pwede ba! Ang sakit ng ginawa mo tapos iisipin mo na minahal kita? Kahit kailan di kita minahal, no! Tanga lang talaga ako kasi hanggang ngayon mahal kita.

0229. Nanaginip ako. Namatay daw tayo. Sabi ni God, isa lang ang makakapunta sa langit. Yung isa daw, sa impyerno. Pinili kong mapunta sa impyerno. Alam mo kung bakit? Kasi nung buhay pa tayo, ginawa mo nang langit ang buhay ko!

0230. Ilang beses ko pa bang sasabihin sayo na kahit anong gawin mo, di ka mamahalin niyan? Dahil meron na siyang mahal na iba. Iiyakan mo lang siya at masasaktan ka lang. Bakit ko alam? Syempre. Minahal kita, eh.

0231. Alam mo, minsan gusto kong sabihin na mahal pa rin kita kaso hindi pwede. Alam mo, minsan gusto kong sabihin na miss na kita kaso hindi pwede. Langya naman kasi! Nagmahal ka pa ng iba samantalang mahal naman kita.

0232. Paano ko sasabihin na mahal kita kung pag-aari ka na ng iba? Masakit man, kailangan kong tiisin na kahit mahal kita, hindi na pwede kasi kanya ka na.

0233. Minsan akala mo kaibigan mo lang siya. Minsan akala mo nandiyan siya bilang tagapayo lang. Minsan akala mo wala lang siya. Pero naisip mo rin ba kahit minsan na kaya siya nandiyan kasi mahal ka niya?

0234. Kahapon nakita kitang kasama siya. Natuwa ako para sayo pero pagtalikod mo, nanghinayang ako at nasabi ko na lang, “Sana nakita din kitang ganyan kasaya nung tayo pa.”

0235. Naranasan mo na bang magpakatanga dahil sa kanya? Yung magpakababa dahil sa kanya? Yung magpatawad at magpasensya kahit di na dapat? Tapos makikita mo yung sarili mong umiiyak kasi wala kang magawa. Mahal mo, eh.

0236. Minahal kita kahit mali, hinintay kita nang sobrang tagal, nagbigay ako kahit ubos na, nagparaya kahit sobra na. Lahat na ginawa ko pero kulang pa din sayo. Hindi pa ba sapat ang lahat ng yun para mahalin mo ko?

0237. Sabi ko, “Musta na?” Tumango ka lang. Sabi ko, “Ok ka lang?” Di mo ko pinansin. Sabi ko, “Miss na kita.” Pero bigla kang umalis. Paano kaya kung sabihin ko sayong mahal kita? Marinig mo pa kaya ako? Malamang hindi na.

0238. I care for you but you don’t give a damn. I miss you but shit, wala kang pakielam! I like you but fuck, pansin mo ba? I love you. Tangina naman kasi! Ang manhid mo kaya hindi mo maramdaman.

0239. Sino ka ba para pag-aksayahan ko ng panahon? Sino ka ba para mahalin ko ng sobra pa sa kaya ko? Wala lang. Ikaw lang naman kasi ang mahal ko. Pero tangina! Sino lang ba ako sa buhay mo?

0240. Totoo pala talaga na life is incomplete without you. Ang malas ko naman cause I can't be complete. Alam ko naman kasi na I can never have you. Hanggang pangarap na lang siguro ako.

0241. Para sa akin ang astig na kaibigan ay yung masaya pag masaya ako, badtrip pag badtrip ako, sobrang saya kasama pero seryoso pag may problema. Nasayo na lahat pwera sa isa. Wag kang mang-iiwan, ha? Para astig ka.

0242. Ang tao, minsan lang magsabi ng, “Mahal kita.” Madalas pag sinabi nila ito, huli na ang lahat o wala na ang pagmamahal. Kaya ngayun pa lang, sasabihin ko na sayo. Mahal kita. Huli na ba?

0243. Umiyak ka nang iwan kita para sa iba. Alam ko naman kasi na darating din yung panahon na kakayanin mo na. Naman, oh! Bakit ganon? Kung kailan kaya mo na, tsaka ko lang naisip na mahal pala kita.

0244. Alam mo, kahit di ka na akin, ayoko pa ring mawala ka kasi mahal kita. Kaya nga minsan, natatakot ako pag may kasama kang iba. Pakiramdam ko kasi, parang napaka-imposibleng di ka rin nila mahalin.

0245. Minsan nagmahal ako nang higit pa sa sarili ko pero nasaktan lang ako. Minsan lang nangyari yun at ayoko nang maulit pa kaya sinara ko ang puso ko at sinabing, "Wala pa ring hihigit kay Ace."

0246. May nakapagsabi sakin na ang hirap mo daw mahalin. Inisip ko kung bakit. Dahil ba busy ka lagi? Dahil ba maraming may gusto sayo? O baka naman dahil may mahal ka nang iba? Pero hindi rin. Bakit ako, kahit ganun ka, mahal pa rin kita?

0247. Naiinis na ko sa mundo. Ikaw na lang kasi lagi ang naiisip ko, ikaw na lang lagi ang naaalala ko. Kailan kaya mababaliktad ang mundo? Para ako naman, ako naman ang isipin mo.

0248. Bakit pa ginawa ng Diyos ang Ten Commandments kung hindi naman susundin? Bakit pa ginawa ng Diyos ang mundo kung pababayaan lang natin? Tanong ko nga sayo, bakit pa ako ginawa ng Diyos kung hindi mo naman ako mamahalin?

0249. Minsan tinanong kita, “Bakit mo siya mahal?” Sabi mo, “Kasi matagal na ang pinagsamahan namin.” Nainis ako kasi ang manhid mo. Di mo man lang naisip na mas matagal na akong naghihintay.

0250. Diba masakit pag iniwan ka? Diba masakit pag niloko ka? Diba masakit pag pinaasa ka? Pero diba mas masakit pag pinaniwala ka niya na mahal ka rin niya tapos malalaman mo na iba pala ang mahal niya?

0251. Sabi nila pag mahal mo ang isang tao, matuto kang pakawalan siya. Kung sayo, sayo. Kung hindi, hindi. Eh pano mo naman maiisip na pakawalan siya kung siya lang naman ang dahilan kung bakit ka nagmamahal?

0252. Hay, talaga naman! Pag mahal mo ang isang tao, gagawin mo lahat, kahit ano basta sabi niya! Dali-dali mong gagawin kahit ano pa ang iutos niya. Ok lang basta siya! Pero pano kaya kung utusan ka niya na iwan siya? Magagawa mo ba?

0253. Sabi ko ayos siya, naniwala ka. Sabi ko malambing siya, naniwala ka. Sabi ko mahal ko siya, naniwala ka. Eh kung sabihin ko sayong ikaw siya, maniwala ka naman ba?

0254. Isang gabi, nanaginip ako. Naluha pa nga ako sa sinabi mo. Sa panaginip ko, di mo daw ako mahal. Pagkagising ko, natawa ako. Naalala ko kasi, kahit pala sa totoong buhay, di mo rin ako mahal!

0255. May mga taong gago, may mga taong tanga. Pag nagmamahal ka ng taong ayaw sayo, gago ka. Pag di mo naman alam na may nagmamahal sayo, tanga ka. Ako, alam ko gago ako. Sana lang di ka tanga!

0256. Nasaktan ako nang magbago ka, nasaktan ako nang balewalain mo, nasaktan ako nang di mo pansinin, nasaktan ako nang magmahal ka ng iba. Pero ito lang ang masasabi ko sayo, “Ang kapal ng mukha mong saktan ako!”

0257. Alam mo, hindi ka niya mahal. Alam mo, ginagamit ka lang niya. Nasasaktan ka pero bakit ganon? Nagpapakatanga ka pa rin? Sabi mo, “Anong magagawa ko, mahal ko siya?” Alam mo, linya ko yan, eh. Anong magagawa ko, mahal din kita?

0258. Tama na yung minsan mo kong napaluha, minsan mo kong sinaktan at minsang pinaasa. Ok lang sakin yung minsan mo akong minahal. Wag mo kong gayahin, ha? Dahil mahal kita nang walang katapusang minsan.

0259. Sabi mo gusto mo ko. Sabi mo konting panahon na lang magkakasama na tayo. Sabi mo iiwan mo na siya. Sabi mo hintayin kita. Sabi mo mas mahal mo ako. Eh, ngayon asan ka na? Bakit kapiling ka pa rin niya?

0260. Sabi mo nandiyan ka lagi sa tabi ko. Sabi mo lahat ng luha ko papahirin mo. Sabi mo sa hirap at ginhawa sasamahan mo ako. Bakit sa dinami-rami ng pinagsasasabi mo, di mo nasabing mahal mo ako?

0261. Sabi nila may kasama kang iba, sabi nila may mahal kang iba. Masakit hindi dahil mahal mo siya kundi dahil sinabi mo saking mahal mo ako habang kayo pa pala.

0262. Di ka sana umiiyak ngayun, di ka sana nag-iisa ngayun, di ka sana nagmumukmok ngayun kung hindi mo lang sana siya minahal ng ganun. Ikaw kasi, eh! Kung ako na lang sana ang minahal mo edi hindi ka sana ganyan ngayun.

0263. I could never find another one to compare to you. I may love again but not the way I loved you. You may only be a part of my past but you know what? Everytime I see you, I still whisper, “Minahal ko yan.”

0264. Sabi nila buti pa raw ako may minamahal, may rason para ngumiti at maging masaya. Alam mo ang sabi ko sa kanila? “Buti pa kayo, hindi nasasaktan.”

0265. Yung ibang tao, naiinggit. Wala kasing nagmamahal sa kanila. Yung iba naman, tatanga-tanga! Minamahal na nga nang todo, binabalewala lang! Alam mo, swerte ka sana kaso tatanga-tanga lang!

0266. Sabi mo iwan na kita. Sabi mo kasi may iba ka na at masaya ka na sa kanya. Sabi mo pa mas mahal mo siya! Tapos bigla mo akong tinanong, “Ikaw? Kumusta ka na?” Bigla ko na lang nasabi, “Heto. Mahal pa rin kita.”

0267. Nakaya ko na na wala ka. Nagawa ko nang limutin ka. Naitago ko ang sakit na nadarama ko. Naibuhos ko na ang lahat ng luha ko. Bakit kailangang ngumiti ka pa? Yan tuloy, naalala ko. Mahal pa pala kita.

0268. Pag namatay ba ako, bibisitahin mo pa ko? Maaalala mo pa kaya ako? Pagdadasal mo kaya ako? Eh, mamiss kaya? Hindi siguro. Kasi ngayon pa nga lang na buhay ako di ko na maramdaman na mahal mo ako, eh.

0269. Mahirap magmahal ng taong malayo sayo. Di mo siya nakakasama sa araw-araw, wala siya pag gusto mong iparamdam ang pagmamahal mo, di ka niya naririnig pag sinisigaw mo na mahal mo siya. Pero patuloy ka pa ring nagmamahal sa kanya dahil iniisip mo na lang na siguro ganun din naman siya.

0270. Gusto kitang kausapin, ayaw mo naman. Gusto kitang hawakan, umiiwas ka naman. Gusto kitang makasama, nang-iiwan ka naman. Mahal kita, yun sana ang gusto kong ipaalam. Hindi mo lang ako pinagbigyan.

0271. Minsan, walang nagagawa ang sitwasyon. Kapag talagang mahal mo yung tao, kahit mali, binabalewala mo lang. Kahit nasasaktan, ok lang! Siguro ganun lang talaga dahil ang minsan ay minsan lang dadaan.

0272. Sabi mo humiling ka ng magmamahal sayo. Sabi mo nakita mo na siya. Ngayon magtatanong ka kung bakit nasaktan ka. Alam mo kung bakit? Kasi ako yung pinadala. Pero di mo ko nakita.

0273. I often wonder why things didn’t work out for the both of us. Patience? Meron. Time? Madami. Trust? Of course. Pero teka. Was it ever the both of us o ako lang?

0274. You said goodbye, you said you can’t stay. Umiyak ako pero sabi mo wag kong gawin yun para sayo. Nakita kita. You’re really far from me. Tinawag kita. You looked back and said, “Wag kang mag-alala. Minahal kita.”

0275. Pinilit kong maging siya. Ginawa ko lahat sayo tulad ng ginawa niya. Minahal kita higit pa sa naibigay niya. Tinanong kita kung kulang pa ba. Ang sagot mo, “Tama na! Di ka naman siya!”

0276. Kailan ba kita nakita? Kanina yata yun. May kasama ka nga nun, eh. Tinawag kita, lumingon ka at napayuko na lang ako. Ang sabi mo kasi ganito, “Tapos na tayo, diba? Ano pang kailangan mo?”

0277. Dati masaya ako kahit malungkot mag-isa. Sumaya ako nang dumating ka. Pero nawala ka. Naisip ko tuloy, mas masaya pala yung malungkot na nag-iisa. Kaysa yung malungkot ako na iniisip ka.

0278. Sabi niya sakin ako lang daw ang babae sa buhay niya, naniwala ako. Sabi niya ako lang daw ang mahal niya, naniwala ako. Sabi niya rin hindi niya ako iiwan, naniwala ako. Pero nang tanungin siya ng kaibigan ko kung kawalan ba ko, ang sagot niya, “Marami pa namang iba diyan, eh!”

0279. Sabi ng puso ko, “Miss na kita.” Tanong ng puso ko, “Ok ka lang ba?” Hirit ng puso ko, “Asan ka na kaya?” Sabi ng puso ko, “Gusto kita.” Pero sabi ng puso mo, “Sorry. Friends lang talaga.”

0280. Madalas kong isipin kung saan ko ilulugar ang sarili ko sayo o kung may lugar pa nga ba ko. Kapag bibitaw na ko, dumarating ka at pinaparamdam mo na mahal mo pa ako. Ngayong wala ka na, darating ka pa ba? O bibitaw na ko?

0281. When you’re with the one you love, show him the best, prove you’re the best and love him the best way you can. If you can’t, kung hindi mo kayang gawin ang mga ito para sa kanya, pwedeng ibigay mo na lang siya sa iba?

0282. Kahit nasasaktan ang isang tao, pinipili pa rin niya ang magmahal. Bakit? Dahil ang puso, pwede mong sugatan pero di mo kayang turuan. Patuloy itong titibok, patuloy na magmamahal.

0283. Masakit pag di ka man lang niya pinapansin. Masakit pag di niya maramdamang mahal mo siya. Pero diba mas masakit pag nagmahal ka ng iba? Tapos bigla mong malalaman na ikaw pala yung mahal niya.

0284. Still remember the time we were together? We were laughing because of so much fun. You didn’t hear what I said. Sabi mo, "Ano?" Sabi ko, "Wala." Now I won’t be able to tell you again that I love you.

0285. Tanga daw ako pag pinakawalan kita. Gago daw ako pag sinaktan kita. Baliw daw ako pag iniwan kita. Eh, gago pala sila, eh! Paano ko gagawin yun? Akin ka ba?

0286. Masakit iwan ang mahal mo. Mas masakit pag iniwan ka ng mahal mo. Pero diba mas masakit pag iniwan ka niya dahil sa iba kahit na alam niyang hindi mo makakaya?

0287. Why is it that sometimes, we don't realize that we are so stupid? We love someone so much, we care for them so much, we give them everything but for all we know, iiwan din naman tayo sa huli.

0288. Minsan na kong nagmahal, minsan na kong naloko. Minsan na nga lang, naagaw pa! Pero di bale! Mas bagay naman sila, eh. Isang basura, isang basurera. Perfect match, diba?

0289. Pag namatay ako, isa lang ang hiling ko. Sana nandun ka at umiiyak. Pero wag na lang rin siguro. Bakit? Nandun ka nga at umiiyak, kasama at kayakap mo naman siya.

0290. Nung iniwan mo ko, ikaw ang sinisi ko kung bakit ako lubos na nasaktan. Mahal kasi kita pero di mo ko maintindihan. Ngayon salamat, ha? Kasi kung di mo ko iniwan, hindi ko siya matatagpuan.

0291. Minsan kailangan mo munang masaktan at makaramdam ng selos bago mo maisip na, “Mahal ko pala to!” At kapag nagmamahal ka na, kailangan mo ulit masaktan para maisip mo na masakit pala talagang magmahal.

0292. Why is it that I can’t forget you? Why is it that I still get hurt everytime I see you with someone else? Maybe because you still have a place in my heart that says, “Mahal pa rin kita kahit wala ka na.”

0293. Nakahanap na ako ng bago. Magkamukha nga kayo, eh. Mas malambing siya, mas mabait. Hindi pa ako pinapaiyak! Pero alam mo, may problema pa rin, eh. Mahal pa rin kita.

0294. Even if someone else already owns your heart, I don’t give a damn. Though the pain is killing me, I won’t care at all. I won’t steal you from her but rather, I’ll tell her, “Mahalin mo siya para sakin, ha?”

0295. Ayoko nang mag-ilusyon. Masasaktan lang ako. Ayoko nang mangarap tapos hindi rin naman magkakatotoo. Ayoko nang umasa tapos mabibigo lang. Mamahalin na lang kita nang hindi mo alam.

0296. Bakit pag nagmahal ka, laging hindi ka sigurado na mahal ka din niya? Di ba pwedeng mahal ka na din niya agad? Bakit kadalasan iba pa ang mahal niya at hindi ikaw? Pano kasi, ikaw, kahit alam mo na, minamahal mo pa rin siya.

0297. Sabi nila ang sarap daw magmahal. Siguro nga totoo yun para sa iba. Kasi simula nang makilala kita, sakit ang nadama ko. Di nila sinabi na ang hirap palang magmahal ng taong may mahal nang iba.

0298. Aalis ako kasi may iba ka nang gusto. Aalis ako kasi kayo na. Aalis ako kasi narinig kong mahal mo na rin siya. Aalis muna ako, ha? Kasi tingin ko masaya ka na! Pero babalik ako kapag iniwan ka niya.

0299. You broke my heart yet I still loved you. You pushed me away yet I still waved. You walked away and loved another while I cried damn hard for you to stay. You didn’t so I just said, “Sige na nga. Friends na lang tayo.”

0300. I’ve always thought that I have to fight for what I really feel. I’ve fought and got hurt. Still, I tried to give it a chance. But now I don’t know if I still believe in that. Kasi tao lang ako. Napapagod din.

No comments:

Post a Comment